Grotto Kinetograph Hike

(location ; Grotto; San Jose del Monte Bulacan)

Last time I got a chance to hike there was on my 21st birthday, and yeah, it’s exhausting yet worthy.

I don’t know what got in to me to plan a hike but I made my way there right after I got the raw materials from my video editing job.

From Vicente Cruz, Espana, Manila, it just took me an hour and a half bus ride.

di ko alam, siguro gusto ko mag”soul searching” dahil I’m having some thoughts these past few days. or maybe I just want to pay that place a visit.

As a full pledged Bulaceno, parte na ng buhay ko ang Grotto, I almost spent my childhood there. nagaaral ako dati noong gradeschool sa eskwelahan sa tabi mismo ng Grotto church, which ngayon ay abandonado na dahil sa rellocation na ginawa. Relocation na di naman ganon kalayo, siguro sampung hakbang lang nasa new building ka na. MILC or Mary Immaculate Learning Center ang kinagisnan kong pangalan nito, pinalitan nila ito 2 years mula nung lumipat ako ng school, IHMS ata.

Anyway, namiss ko yung mga madreng nagalaga sa akin noon, ganun din yung mga teacher at janitors na nagaaruga sa akin sa tuwing naiiwan ako ng schoolbus (di ako namamalayan ng driver –kuya bobby– na nawawala ako, aalis sila ng school at di na nila ako babalikan, gabi na ako susunduin ni mama, kasi sa ganon oras lang din niya nalalaman na ala ako sa inupahan niyang sundo) o di kaya sa pagkakataong binubully ako ng mga kaklase ko dahil sa ako lang ang may kumpletong series ng isang sikat na jokebook nun (mas makapal pa xa sa textbooks natin at yun ang sikat nung di pa nasisislang ang mga Bob Ong books).

Ang simbahan ng Grotto ang naging saksi sa ilang unforgettable moments ng buhay ko (naks!) mula nung naging cab scout ako hangang sa nanging leader ng sarili kong platoon ( nakamit ko ang Tenderfoot award at rank! yahu!), mga time na tinatakot ko yung platoon ko sa pamamagitan ng paghike sa gitna ng gabi sa kabundukan sa likod ng grotto (may time an lahat kami nakakita na kumindat si Mama mary at ginalaw niya ang kanyang marmol na mga kamay–creepy),

doon din namin niloloko ang aming mga sarili, nagpraktis ng “spirit of the glass” kung ssan namin nakausap yung isang matandang espirito sa daan pababa sa calvary, nag attempt din kami maglevitate (sabay sabay kaming nag indian sit pumikit at kung sino ang lulutang dapat sumigaw, para makita namin, sa kasamaang palad, maghapon kaming nakapikit).


Sa harap ng Grotto rin ginaganap taon taon ang graduation at recognition day namin, kaya umulan man o umaraw, doon dapat ang grad.


ngunit isa lang pinagtataka ko, bakit magaasawa na ko’t lahat lahat di parin tapois ang Grotto, coem to think halos 20 years na ito dapat tapos at 20 years na itong umaapaw sa donasyon.

hindi ba nagtataka ang mga tao rito? well siguro, malamang, bilang isang dating estudyante na nagaral doon, ilang taon din naming nakikita ang mga construction materials na kinakain ng kalawang sa taas ng simbahan, nawala nalang ito nang nagkaroon ng haka haka sa delay ng pagtapos nito, grade school palang ako noon at excitited na lahat na matapos iyon, ngunit me forces talaga na gumagawa ng paraan para di iyon matapos.

Isa pang siste doon, simula noong mga 2000 ata nun, can’t remember, nagkaroon ng order mula sa Arsobispo ng Malolos na lahat ng gaganaping misa o sacramento sa simbahang iyop ay di kikilalanain ng simbahan at si sagrado. Dahil sa tumanging magbayad ng henerasyong humahawak sa grotto ng buwis at parte nito sa Archdioses ng malolos. Alam ko ito dahil sa misa ito sinabi ni Father Manny, Misa sa isang simbahan malapit din sa Grotto. Syempre papaniwalaan ko si father Manny dahil padre rin sya ng aming paaralan at isa rin sya sa mga padreng nagmimisa sa Grotto noon. nagkaroon ng banning sa samahan ng mga pari ang lugar na iyon kaya kung sino sino ang nagmimisa doon.

Well, isang magandang lugar dasalan ang Grotto, at di na iniisip ng mga deboto kung hindi kinikilala ito ng simbahan, ang mas mahalaga makausap nila ang Diyos sa anumang paraan.

Tuwing Lent season every year, nagkakaroon ng pilgrimage sa Grotto, at dinadagsa ito hanggang ngayon ng mga deboto, mga gusto maghike, mga negosyador, mga media para sa kanilang lenten special, mga nagtitinda ng mahiwagang langis, naghahanap ng mahiwagng langis, mga tindera ng cap, shirt, mug, kandila, rosaryo, pamplet, mula sa souvenirs hangang sa lkumang dyaryong o sakong pede ilatag sa damuhan tulad sa luneta. At kanina nga naabutan kong pinipinturahan at nililinis ang buong lugar. ngunit tulad ng taon taong senaryo di parin tapos ang simbahan.

Nauna pang magkaroon at matapos ang artificial lake sa may parking lot, sa attempt na magagaya nila yung sa Baguio o La Mesa Eco park, ngunit bigo lang ito dahil sa nasipsip lang ng lupa ang tubig, resulta, isa syang maputik sa bangin ngayon. nauna pang dumami ang mga picnic area sa baba kesa matapos ang tore, bakit kaya di ito matapos tapos sa kabila ng umaapaw na donasyon tuwing mahal na araw?

Sana di na ganito ang maabutan ng magiging anak ko dahil maganda talaga ang hangarin ng mga nagpasimula ng Grotto, maganda ang istoryang nasa likod ng paggawa nito. sana di sirain ng kasalukuyang henerasyon ang hangarin ng Guanzon couple na nakalibing mismo sa altar sa baba ng grotto.

balik tayo sa purpose ng pagpunta ko, isa na yung school, well anu pa ba? hmmm? well tumataba na daw ako so kelangan ko na muna magpapawis, well dala dala ko si Zagath, ang aking Nokia 5610 Xpress Music Camera phone, so anu pa ang mangyayari, edi kuhaan na naman ng pic!

may napulot akong calachuchi sa daan at naisip ko xang pagtripan. pinasyal ko sa buong lugar ang bulaklak na iyon at kinuhaan sa kung saan saan. hangang sa tuluyan na xang malanta at literal na liparin ng hangin.

Well sa mahal na araw, tyak andito kami ng mga kaibigan ko, sana makita ko yung mga gradeschool friends/classmates ko, or in other case, sana makita nila ako, di ko na sila makilala, tulad nung nakraang taon,nung Easter, sila ang unang nag-appraoch sakin dahil ‘kanina pa daw nila akong nakikita ‘ well di ko sila makilala so di ko taalaga sila napansin.


sana magkita rin kami ng first love ko sa lugar na iyon, well iyon ang unang lugar na pinagsaluhan namin bilang magkaibigan bago kami nagkahiwalay at nagtagpo ulit sa ibang lugar.

saan man xa, sana magkita kami sa bonfire na laging nagaganap sa harap ng simbahan ng grotto tuwing easter ng dapithapon.

(me nasama me na mga poste shots –as usual, el paborito subjico ko–mga poste aking nadadaanan . And hey, would like to apologize to write this thing on my native tongue, i must admit, It kinda soothes me to write thing up in Tagalog…hmmm… Sige, I’ll write blogs in turns, May Ingles, and there Tagalog for you hahaha :D—-TMI )

Advertisements

One response

  1. BNP

    hi! kindly try again. i changed the urls to blogsngpinoy.com (i removed the ‘blogspot’). may sariling domain na po kasi tayo šŸ™‚ and google said that it will be fully available for my readers by nov.12 pa šŸ™‚

    if hindi pa rin kayo makapagregister sa MAGPAREHISTRO DITO page, you can just send me an email nalang of your blog info šŸ™‚ let me know if successful o hindi šŸ™‚

    November 9, 2009 at 3:40 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s