LightHouse [part 1]

cover photo for "Lighthouse", featuring some of my pals in moment of random thoughts 😀

[last 2007, i wrote this mini novel for a college requirement. The theme is to discuss the present trends in a creative way and also  give a glimpse of the future must haves. I ended up enjoying writing it. Even though i passed the manuscript, I kept in touch with the material. well, how about a little serving of the story?]

“Southbeach? That’s bullshit man!”, sabay lagok ng isang herbal capsule. “ang mahal ng punyetang gulay na yan di naman ako pumayat.”

Napatawa kami sa sinabi ni Chicken, Palibhasa ang utak ay nakadepende kung ano ang pinapalabas sa lifestyle channel, kung ano ang napapanuod ay yun din lang ang nakikita niyang solusyon sa kanyang matagal nang mamantikang problema.

“O, s’ya mahuhuli na tayo sa flight natin.”

“Let’s go guys.” Sagot naman ng isa at sabay-sabay naming niligpit an gaming mga PDA, cellphones at laptop at mahinahong iniwan ang Starbucks.

“Nga pala si Mouse?”

“Nauna na siya sa batanes para asikasuhin ang rerentahan nating kotse.”

Sa loob ng FX ay nalilkibutan kami ng nakakabinging katahimikan, na paminsan-minsa’y sinasabayan ng pabulong na himig galing sa aming mga earphones. Andyan ang maingay na “Hollywood Holiday” ng Love Me Butch na syang paulit-ulit na pinapakinggan ni Tiger gamit ang Schinzer headsets at MOTORAZR2

Si Tiger ang pinaka-techie sa aming barkada, palibhasa mayaman, kaya niyang magpalit ng portable DVD kada buwan, cellphone kada three weeks,at mag-uploaf ng bagong music kada araw. Tulad ng isang ordnaryong music lover sa panahon ngayon, malawak na rin ang kanya-kanyang music preferences ng barkada. Tulad ng pagkahilig ni Tiger sa mga foreign music. Pero di basta-basta foreign na galing amerika. Andyan ang Rockband na Love me Butch (LMB) ng Malaysia, MIZUE ng Japan hanggang kay Stefano Fucili ng Italy.

Ako naman ay kuntento na sa A capella music na laman ng HTC Touch phone ko, ang tinaguriang “i-phone Killer” ng 2008. Maririnig mo kung pa’no ang “this guys inlove with you” ng Kilyawan, “Kaleidoscope world” ng Akafellas at “Mr.Brightside” ng Harvard University Callbacks. Mahirap kung sa mahirap maghanap ng kinahiligan kong genre of music. Andyan ang pakikipagsapalaran ko sa internet gamit ang Limewire, Imeem, Multiply, esnips at pati CDbaby. Pero buti nalang nagpopost paminsan minsan ang paborito kong DJ ng mga PODcasts sa kanyang webpage. Kaya wala na akong problema sa paghahanap ng acapella version ng maiisipan ming kanta. Mula sa beatles hanggang sa the Killers, Orson o Panic at the Disco, you name it,mayroon akong acapella version niyan.

Si Chicken naman ay puro Dance o Club House Music ang iniindak ng kanyang eardrums, palibhasa she needs more exercise kaya puro pampaindak at pampawork-out ang laman ng kanyang I-phone. Inabangan pa naming talaga magpalit ng taon para lang makabli siya ng kanyang pinapangarap na original I-phone dito. Kaya sa sonbrang pagkasabik, diretso kami ng mall para magdownload ng mga music ng Daft-punk , Gyzkard at Sitti on Mix. Isinasayaw-sayaw niya rin paminsan-minsan ang mga gawa kong remixes.

By the way, isa akong turntablist. Isa sa mga hippest jobs sa metro. Pangatlo sa Social Yuppie Pyramid ng Makati, Pinangungunahan ng Advertising Gurus, Graphic Artists, kami, freelance writers at way back at the bottom, mga callcenter agents. Ako lang ang nakakaalam noon sa barkada at mahirap nang masakal ni Chicken, palibhasa tumaba sa pagpupuyat para lang kumita ng malaki.

+++ MARCH+++

(Hi 5 shout-out: Gumigiling nanaman sa ere si Beyonce, tapos susundan ng Reunion ng mga Spice Girls, Hot daw sila ngayong taon pero sa akin hindi… Mas in pa sina Maria Mena, pagbabalik nila Robyn at Lisa Loeb at ang bagong kanta ni Robbie Williams— screwed butterflies)

Halos isang taon mahigit nung huli kaming bumiyahe sabay-sabay papuntang Batanes. Naging ritwal na naming sabay sabay na bumalik doon hanggang sa napagdesisyunan ni Dante na roon tuluyang mamuhay kasama ang kanyang asawa. Naisip na naming nung una pa na papasok sa ganitong sitwasyon ang kaibigan naming iyon. Di ko alam kung dahil ba’yon sa “uso” ang makabuntis at mapikot o sadyang tinadhana na talaga sila.

Lumaking aktibista si Dante. Ang tanging matapang sa aming grupo. Pinaglalaban niya kung ano ang sa tingin niyang tama. At lalong lumaki ang mga litid nito nang nagkolehiyo sa Maynila, napasama sa mga grupo hanggang sa tuluyang nahubog ang isang mapagmatyag at mapag-isip na Dante.

Pero sa kung sa pagiging seryoso ang pag-uusapan, tyak magugulat ka dahil mas makulit pa ang taong yan kaysa kay Chicken at sa aming lahat. Katwiran niya, di dahil isa siyang tibak ay ganoon na dapat siya umasta. Minsan niya kaming pinagsabihan na ang pagiging uso ng isang bagay ay pautot lang ng mga negosyante, gusto lang nilang kumita, magpapakilala sila ng mga usong bagay na siya naman nating pipiliting iangkop sa kinasanayan nating kultura. Kikita sila habang tayo ay nagkakadarapa sa pagbili ng mga iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit tayo kumakagat sa mga bagong Jukebox phone ng VodaPhone eh halos parehas lang sila ng gamit ng MP3 player na minsan nating pinagkaguluhan. Nalilito siya kung bakit mahirap makuntento ang tao sa makabagong teknolohuya sa paligid niya habang ang mga magsasaka sa Davao ay kuntento na sa araro’t kalabaw na gamit sa kanyang pagsasaka. Natatawa lang ako sa pagdaing niya sa amin habang nagta-type ng mga CSS codes sa kanyang Apple Macbook Pro,nag-eedit ng profile ng kanyang multiply site. Depensa niya, minsan lang naman niyang dayain ang sarili kaya nilubos na niya, sabay inom ng four season coffee frap na nakalimutan na niyang naglalaman ng kapeng pinaglaanan niya ng dugo at pawis ng mga magsasakang minsan na niyang sinamahang magmartsa patunging Malakanyang. Biro ko nga sa aking sarili, di kaya sumusunod lang ito sa mga pauso ng ibang nuisance na aktibista?

Yung tipong magpapanggap na tibak, pinagsasama ang “social consciousness” at Fun X factor. Alam kong uso yan ngayon. Pinagpalit kasi ako ng chikas ko last month dahil sa “cool” daw magkaroon ng boyfriend na ganoon. (palibhasa pinaglihi sa Trojan Horse Virus, kung saan file kakapit-kapit. Tapos pagnasira ang utak, tyak iiwanan ka niya para maghahanap ng ibang masisirang hunky file tulad mo)

I’m sick ang tired narin na makakita ng mga pankista at aktibista. Parepareho silang puro itim ang shirt, EMO o “loose oasis” ang buhok at me mga black na eye liner. Naalala ko tuloy ang kapatid kong nagpapakada-EMO, di naman bagay, nagging sensitive siya sa kanyang feeling kala naman niya relevant yun sa paglakas ng piso at ganoon alang ang pagmukmuk niya pagfeeling down siya. Trip niya lagging madepress at itsurang depress. Nakakdepress dina ng itsura nila pagtumatalon sila sa ere sabay yugyog ng mga ulo sa mga kanta nila ATRYU, Underoath, sensefall at Alexis on Fire. Gustong gusto nila ang mga kantang iyon eh halos sigaw lang naman ang lyrics at akala mo me nota, mayroon pala. (minsan ko nakita ang kapatod kong magpraktis ng mga kanta nila, palibhasa acoustic guitar ang hawak, duon ko lang narinig ng klaro ang tono ng kanta. Uso daw ang magkabanda kaya nagkakadarapa siyang magpraktis para di itakwil ng barkada.)

Ano kaya nangyari sa mga bandang sumikat noon hangang nung nakaraang taon? Oo, alam kong wala nang matchbox 20 dahil nagpakaldo uli si Rob Thimas para sa sususnod niyang solo album, pero paano ang walang kamatayang “Push” at “Unwell”, o yung “wonderfull” ng Everclear, o yung “Mr Jones” ng Counting Crows. Ano ang nagyari sa kanila? Okay na sana ang mga bandang Orson, the Adventurer , Red Jumpsuit Apparatus at Greenday kaya lang malakas parin ang sigaw ng mga SCREAMO, scream plus EMO, edi SCREAMO. Ang bagong genre ng makabago at ng mga nagresurect na mga pankista (siguro tuwang-tuwa ngayon ang nag-imbento ng kasabihang “punks not dead!”)

Pero at one point, may nagustuhan rin ako sa kanilang mga kulto ni Pepe Smith at yun ang kanilang mga “Zeitgeist” sense of literature. It strongly depicts aural imagery ng kanialng emotions (Peque Gallaga) , Nakabasa ako minsan nang naligaw ako sa isang forum sa net.

Bakit nga ba?

Siguro.

Dahil masarap magkunwari na ginagamit ang utak

Dahil wala nang panahong mag-isip.

Dahil hindi mo ito kailangan.

Tulad ng siopao, masarap ang bawal.

Dahil wala nang iba pa at yan lang ang natira.

Dahil pagod na?

O minsan wala lang talagang maisip na sagot.

Baka rin kasi minsan di naman kailangan.

Dahil pangit tignan pagbigla akong gumulong sa lupa.

Baka kailangan mo nang kausapin ang dati mong kasama.

Kaya lang baka hindi niyo kaya.

Siguro dahil wala nang masabi sa isa’t-isa.

Bakit nga ba?

(excerpt from Girl Trouble by Alan Navarra)

Gumawa rina ko tulad noon at syempre, pinablish ko sa net…

Rooster: So did you like my poems I e-mailed you?

Tiger: Haven’t checked my mail yet (then placed emoticons)

Chicken: I forgot my password

(then typed her popular jargon) wasted kasi eh

Dragon: Maybe this Friday,

(pre sa totoo lang, gotta follow those chikas pare, don’t have time)

Dog: Don’t believe in the internet

(photobucket sucks!)

Rooster: (imageshack sucks bigtime!)

Mouse: Eyow…Check Ko Buwas, pwamis…buwas…

(its fun to be a mushmouth nowadays)

Cat: which account? Yahoo Mail!, G-Mail o Myspace?

++HuGz-n-Kizzez++: IV3_R3@D_TH3M… (hope you can read this…)

EmOtErAh_2008: they reveal so much about you, should place it to your Hi5 profile though.

Pig: Diba dapat petnames lang ang andito?

++HuGz-n-Kizzez++: kaya walang nag-PPM sa’yo eh…masyado kang nega..

Cat: —meow…. ^_^

Pig: PM?

EmO-tErAh_B@be: Private Message

++HuGz-n-Kizzez++: LOL …hahaha -.-

Pig: Hoy! At sino ka para murahin mo’ko?

Mouse: Ay tanga…

Tiger: Inum tayo –.

(at doon nagsimulang nabuwag ang clan naming sa chatroom, kawawang Pig, walang nag-PPM sa kanyang lalaki at walang member ang balak siyang karirin. Tsk.tsk. )

Still, pagkatapos mag-agree ang lahat na di nag-exist ang clan na iyon, ay nagkaroon parin kami ng contact ni ++HuGz-n-Kizzez++ a.k.a. Tetet. Nag-usap kami sa maraming bagay na sa text at chat lang naming kayang sabihin sa isa’t-isa. Nakapagtayo pa kami ng isa pang Clan.

Minsan ay naawa ang amang ko sa araw-araw kong pag-e-load kaya niregaluhan niya ako minsan ng 500 na load. At dahil sa naexcite sa kakaibang feeling na naibigay sa akin ng prepaid load at tila humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan. Biglang nagflashback ang lahat ng alaala (yung katulad na katulad na nangyari ke Russel Crow nung tinamaan siya ngespada sa Gladiator…dami kang makikita noon sa mga tindang 30 in 1 na DVD sa Quiapo), naalala ko nung napagkamalan kong pamato ng piko ang “await-load” (tama?) hanggang sa huling kong cellphone na Motorola Douce and gabanna edition, na napilitan kong ihagis para lang di ako mahuli ng tunay kong GF sa tumatawag na ka-flirt ko that time… balik sa prepaid load, Tinawagan ko si Tetet, siya ang gusto kong paglaan ng 500 prepaid load ko, minsan lang ‘to no…

“tara inom tayo” sabi ko.

“sure…”

“sa MetroPhi na lang tayo magkita”

“sa condo mo nalang…ayaw mo?”

Laos na ang “palibhasa lalaki” days, din a uso ang pagkamanyak ni Joey Marquez na sasabayan ng paghampas sa kanya ng dyaryo ng cameraman. Chivalry na ang uso ngayon.

“sa MetroPhi nalang…” sabi ko

“Ok” sabay text ng smiley.

Pants o Shorts? Ok na siguro yung cargo shorts na ginamit ko kahapon.

T-shirt o Polo? Putek! Alang plantsadong white polo.

Giordano Black Polo nalang, me angst pero youthful parin.

Gel o Natural look para sa buhok? Tsk.tsk…

Pagnakagel, napakakintab ko naman sa Gabi..daig ko pa yung disco ball ng club.

Pag natural, mukha akong wasted. Layered pa naman ang gupit ko tsk,tsk,

Dilemma.

Mahirap talagang ambisyoning maging kamukha ni Brad Pitt sa Mr and Mrs Smith part 2 kung ang kahawig ko ay isa sa mga taga Jackass number three.

Nagkita nga kami doon. Nakaleave ako kaya di ako pinagpapawisan ng grabe tulad ni “the Kennedy Project”, isa sa mga porener na turntablist. Di ko nga alam kung bakit nauso ang dayo eh parepareho naman ang tunog “patok” na Jeepney rutang Sta. Mesa – Marikina.

“Oh Yeah…”

Umindak si Tetet sa Club mix ng Cosmic Girl ni Jamiraquai, beastie Boys.

Andoon lang ako sa isang tabi,nagmamasid,umiiwas mapagpawisan nang di mangamoy ang shorts. Nagpapakadalunod sa beer na paulit-ulit na nilalagok ni Bamboo sa TV.

Nakipag-indakan siya sa mga bading na mukhang chimi ah ah…mathuthunders naman. (some of a thousand lingo na natutunan ko sa pamamasyal naming ni Steve)

Matapos mapagod sa pag-indak ng apat na rounds ay umupo narin sa wakes si Tetet, tinawag ang Waiter at nag-order ng San Mig Light, ang aming social lubricant para sa aming rusty social skills.

Lumabas kami ng maingay na Bar, umupo sa gutter ng kalsada at nag-usap sa mga bagay-bagay.

Totoo bang guguho someday ang Mall of Asia, at

Bakit hangang alas diyes lang ang mga mall pag mayroon silang MID-night sale?

Neil Gaiman ba o J.K. Rowling parin? (Arnold Arre na me…sikat na xa eh…)

CatDog food ba pagkain nila CatDog? Eh ano naman sa nakalimutang Cow and Chicken? Paano na si naruto? Lalagpas pa ba siya ng kinse anyos? Anong alternative pag di nagkasya ang binili kong COSPLAY para sa susunod na fantasy convention….

Ano ang pinagkaiba ng IMAX theatre ng MOA , sa Digital Screening ng SM Block sa Digital Cinema mayroon ang Glorietta sa 4D theatre ng Enchanted Kingdom?

(siguro ‘ala, parehas silang nakakahilo tulad ng naramdaman ko nang minsang nastranded kami sa loop ng space shuttle. Kala ko “ssssteeegg…” ang ma-stagnant duon, mali pala ako, alang signal!… ipapadasal ko naman sa Quiapo ang pagtirik ng flying fiesta sa susunod na pagpunta ko doon…hehehe)

Paano kaya di magsasawa ang mga fans ng High School musical sa paulit-ulit nitong

paggamit ng mga tono?(makakyanan pa kaya naming dal’wa sa paglabas ng High School Musical 3? Eh sa Sequel kaya ng Grease o Music and Lyrics? “On the Land of Women” nalang sana, matutuwa pa ako, pede rin Hairspray” )

Marereformat ba ang paborito naming radio station tulad nang nangyari sa isa nung

nakaraang taon? Buti nalang nagkaroon siya agad ng barangay.

Paano na napadugo ni Inday ang aming mga ilong, paano niya nilampaso ang

mga one-liner jokes nila Milenyo, electric Fan, TV at iba pang appliances. Mababawi

pa ba ng pagka-mangmang ni ERAP ang kanyang trono sa txtvotes? Este txt jokes?

Lalo na ngayong puro trivias at short stories na ang usong I-chain text ngayon

pagnakaunli ang isang adik sa txt?)

9. anong mangyayari pagpinagsama sama naming ang mga BROTHERS and SISTERS ni

UGLY BETTY sa KID’s NATION? Magiging HEROES ba sila o magiging KUNG FU KIDS?

Paano na ang EUREKA ni BIONIC WOMAN? Di bale, anyan naman si HOUSE MD na

magtuturo ‘bout GREY’S ANATOMY, BONES at pati narin ang PSYCHE. Papatok kaya

ang PINOY IDOL sa syete? Paano na si MAU? Kelan puputi ang mga ULINGLING? 24

hours? O pagkaroon ng PRISON BREAK? Bakit nauso ang season season na yan?

dal’wa lang kaya season natin Ditto…

at ang huli…

10. ang tatlong oras na trapik sa Mendiola. Ang “Kkiam Experience” ni Jay Panti. Kung paano niya inaaply sa akin ang nabasang “He’s not into you” at “Its Complicated” parin ba ang status naming dal’wa sa Friendster ngayong kami na? Gusto ba naman niyang ipaalam sa buong madlang people na kami na? Kami na nga ba? O Fling lang? Tulad ng mga nakukuha ngayon sa mga Speed dates sa Glorietta. (oo tayo na…) kami. (I-flickr mo pa mga picture natin, I-blog mo pa mga karanasang ito. I-youtube mo pa mga videos natin…oo tayo na…)

“lipat tayo sa inyo?”

“sa amin?’

“oo— nga pala..”

“ano?’

“Sensation ha—wag frenzy banana…”

natahimik ako bigla. Tila andyan si Sadako sa aking tabi. Para akong si nakaupong machong lalaki na nagtutulug-tulugan sa masikip na MRT, para di Makita ang mga nakatayong chikas sa aking harapan, ayaw magpa-upo at malayo pa ang istasyon na aking babaan. Mas maganda nang manahimik… “practicality, next to Chivalry” ang drama naming mga lalaki. Ayaw ko sumunod sa uso na nakakabuntis nang bata pa. (bata pa po ako kahit sa age kong 23.)

Advertisements

2 responses

  1. *After study a few of the blog posts on your website now, and I truly like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and will be checking back soon. Pls check out my web site as well and let me know what you think.

    April 26, 2011 at 8:03 am

  2. *Nice post. I learn something more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content from other writers and practice a little something from their store. I’d prefer to use some with the content on my blog whether you don’t mind. Natually I’ll give you a link on your web blog. Thanks for sharing.

    April 26, 2011 at 3:53 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s