Lighthouse [part 4]

—EPILOUGE—

+++ JUNE part 2 +++

(something to write a a(BLOG)bout…)

Almost seven hours uminit ang mga pwet at nangawit ang aming mga hita sa byahe. Pero sa wakes narrating na namin ang Subic airport. Sinalubong naman kami ng isang kabarkada sa lounge malapit sa bukana ng hangar ng aming private plane.

“Mouse!!!” at kumaripas na ng pagtakbo si Chicken at niyakap si Jeremy. Mababasa mo sa kanyang mga kilay ang pagkaasiwa niya sa kanyang “petname” na sa tingin namin, ay literal na petnames.

“akala ko ba nauna ka na sa Batanes?”

“Guys, here’s Matthew, sasabay sya sa atin papuntang Batanes”

At dumating nga ang oras na nakarating kami sa Batanes, kala ko duon huling makakasama si Jeremy si Matthew, nagkamali ako.

She invited him.

(pag pinigilan mo kasi, she can use the word bitch twenty-nine times in a sentece, a walking black movie cliché)

Nakarating kami sa bahay ni Dante, at sa pagbaba naming ay sinalubong kami ng kakaibang aura. Naabutan naming ang mga katulong na nagseset-up ng kara-oke , ng mga party table at nagwawalis.

“Ma’am Ching (chicken), Ma’am Jeremy, andito po pala kayo…”

“andito rin kami”, sabi ni Adrian(Tiger)

“si sir mo?”, sabi ko, sabi ni Rooster.

—EPILOUGE—

+++ JUNE 1 +++

(totoo na ‘to pwamis)

“burn that fats, beybeh!!!”, kanchaw ni Adrian

“Leche! Mas masarap pa ‘to kesa sa Electronic Surfboard na binili ko” sagot ni Chicken,Ching habang pinagpapawisan sa pagpadyak ng pedicab. Masyadong makitid ang daan para sa aming sasakyan…

“ala na si Sir…”,sabay napalitan ang iyak ng ngiti..

“me vidoke ditto mamya…uso kasi ditto yan pagkatapos ilibing ang patay”

Wala na si Dante, nakuryente daw nang minsang kidlatan ang kanyang kwarto, habang pinaglalaruan ang electronic dictionary ng bisitang Koreano. Namatay si dante sa paraang nakakashock. Literal na nakakashock.

Minsan,kahit anong bagay ang dala natin, uso man o hindio ay di natin madadala sa kabilang buhay. Pati mga alaala ng paggamit mo nito ay di mo matatandaan. Sabi nga ng bili kong DVD ng Discovery channel sa Quiapo , di ka matatandaan ng iyong utak, dahil kasama mo itong mamatay, kasama mong mabaon pati ang iyong mga masasayang alaala. Di rin matatandaan ni Dante ang mga nabasang Harry Potter E-books na pinagbebenta ng illegal sa kanyang office. Na minsan siyang nagalit sa Methatione dahil di pumiti ang kanyang kilikili. Paano sumakit ang mata nang nakita ang 150 inch plasma TV ng Panasonic sa Trade fair. Paano napaiyak ng “First Sunday” ang machong damdamin…

Nakaakyat na kami sa burol na sinabing huling umatend ng misa si Dante, wala na sila…baka naglakad na papuntang sementeryo.

Pakiramdam ko isa ako sa mga umusbong na independent writers na kalaunan magpapablish ng damdamin este ng libro independently, di ako maka-iyak at walang gusting humagulgol. Kasabay naming sa pag-akyat ang pagbaba ng haring araw.

Ano kaya reaksyon ni Dante ngayon kung:

10. Nagkaroon ng Marimar Book 2, tapos sinerialized ang “private Practice” , sinong bida ang kanyang pipiliin?

9. Paparoonin kaya niya ang version natin ng mga musical movies? Biag ni Lam-Ang the Musical? Maganda ba pakinggan?

8. manghihinayang kaya siya pag di siya nagkaroon ng tissue mula sa Byke’ Café, Bumba Shrimp Gump at Hard Rock Café na may planong magtayo sa batanes? (wala na kasi mapagtayuan sa maynila sa kabila ng demand)

7. Na kamukha niya si Chester Bennington pagminorph ang kanyang portrait sa MYHeritage.com, na makakapagJolibee ka na sa 50 pesos at na nakalimutan niyang I-log-out ang I-mesh account niya?

6. Na dahil sa DVD combo 60X drive kaya nasira ang kanyang PC na Windows Longhorn na?

5. Na pwede ka nang magtoothbrush na walang gamit na toothpaste, na solar energy lang ang gamit? Na tinutulak ng Green peace ang Renewable energy kasi yun ang uso este maganda sa ating environment drama?

4. Na kung susumahin, umabot na sa limang tapon ang oras ng pagrender ng kanyang windows movie maker sa paggawa ng home videos na alam niyang tatawanan niya balang araw at mapagkakakitaan pag nabenta sa mga TV stations? (well nagkamil siya sa part na “balang araw”), Na Ulead na ang uso sa pag-edit ng video pati ng Underground music ng kanyang secta?

3. Mahal parin ang gasul at mamahal pa. Na pinauso ni Gloria ang week-long vacation? At di talaga totoo ang mga growth pills…(tignan mo si Gloria), na di man lang malabanan ng herbal capsule ang bilbil ni Chicken (tignan mo si Juday, me commercial nga ng Fitrum pero lagi kina doctor Calayan nagpapasalamat pag me guesting)

2. Usong Hang-out ngayon ang Manila Pen. Uso ang red na armband at di parin naalis ang itim na kilikili

at ang huli…

1. Di alam ng lahat ang matagal ko nang pagmatyag kay Jeremy na minsan mong kinantsawan na me Crush sa akin…

Ano kaya?

Ano kaya no, Dante?

Walang umiyak, bagkus namangha sa gandang ng Lighthouse na minsan naming iniwan. Lighthouse na minsan naming naging tambayan. Parolang hanggang ngayon ay naroon sa alaala ng aming pagkamusmos.

Parolang hinahanaphanap, kahit ano pa ang usong dumating. Kahit anu pang material na bagay na dadampi sa aming isipan, kahiligan at itatapon. Di tulad ng parolang ito kung saan huli kong nakausap si Dante, Nagmumukmok,nagsusulat ng blog tungkol sa pagkawala ng signal ng WeRoam sa kanyang bahay. Si Dante na kunyaring pinagpalit ang prinsipyo sa isang Macbook at mainit na kape.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s