Dasal, Pakikibaka at Hapunan

Pangatlo, mithiing taglay
Pangalawa, paghingi ng tawad
At una, Pananampalatayang matibay;
Bumubuo sa isang dasal, magkataob ang dal’wang kamay

Pangatlo, pangangatwirang hawak
Pangalawa, dahilang pinaglalaban
At Una, takot sa espasyong malawak;
Resulta ay isang pakikibakang walang hanggan

Pangatlo, Agahan kasama ang maykapal
Pangalwa, kaibigang kasalo sa tirik ng araw
At Una, gabing mag-isang pinagsasaluhan ang pandesal;
Binusog ang kaluluwang uhaw

Pangatlo, ang pagbusog sa kaluluwang uhaw
Habang panahon ay lumilipas
Kahit sa gitna ng ulan, siya ay pilit na sumasayaw
Tila may kulang sa hinaharap pa’rin, sa katawan ay paalis, kumakalas

Pangalawa, pakikibakang walang hanggan
Nagtatanggol sa kaluluwang hinamak
Tiyak siya’y makakalas sa kasalan
Pakikibakang magtatanggal ng gapos at ngayo’y tangan

At Una, isang taob kamay na pagdarasal
Humihiling sa maykapal ng gabay at pag-unawa
At paglagay ng pagitan sa gitna niya at ng mga hangal
Mapagkutya, mapang-abuso at ng mga madidiwara

Pangatlo, Nabusog na ang kaluluwang sa prinsipyo’s kanina pa naghahanap
Pangalawa, nakamit niya iyon sa pakikibakang walang hanggan
At una, ay isang dasal bago siya sumuong sa laban
Bumubuo sa araw ng kaluluwang nakikipagsapalaran

Ang araw ng kaluluwang nakikipagsapalaran
Binubuo ng dasal, pakikibaka at hapunan , kasama ang prinsipyong pinanghahawakan
Na bawat gusto ay kailangan may kapalit
Isang dasal, pakikibaka at hapunan bago makamit

————————–

[revisiting some of my poems written YEARS ago]
So Till then and Godspeed 😀


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s