DALOY. GS. STAT.

O yeah! pasukan na naman. oras na para sulitin ang nalalabing araw ng summer. it’s been a year since I  quit working on a callcenter and pursue my masters. I thought it’ll be hard,Di ako nagkakamali.

Yes it is hard but its nothing compared to the rewards I got after I finished my first school year. I gained friends and colleagues (and useful contacts hehe) and knowledge about other fields of communication  aside from research and mass media. Not to mention many useful tips on career and personal life. And after my first sem, I totally fell in love with graduate school.

Anyway, weeks from now, enrollment na naman at balita ko may statistics kami na subject, yeah I know it is required to take it but I’m an average guy who get nightmares every time I try to solve a math problem. ironically, ang dati kong mga trabaho ay may kinalaman sa research, una kong trabaho ay bilang data entry sa Philippine Information Agency noong 2007, naging Researcher noong 2009 at naging Research Analyst last year. ‘Di ko parin maisip kung paano ko nasurvive at natapos ang mga workload ko ng ‘di masyado inaalala ang math, siguro dahil sa SPSS o yung mga ‘di ko nakikitang nilalang slash mumu sa opisina pag nag-OOT ako (malamang SPSS). Aaminin ko, nagdalawang isip akong mag enrol muli pero kilala ko sarili ko, walang natatapos pag oras na tinamad na ako. kaya nagpapasalamat ako at may naging kaibigan ako sa GS na dahilan na mag enrol ako…(sa totoo lang, pinipilit nila ako kasi, mahal ang tutorial hehe joke)

Isa ring kinatuwa ko sa graduate school ay ang mga ssignment at projects. Alam ko, hindi lang ako ang minsang nagsabi na “haist, namiss ko ang eskwela”. pero at least ako, gumawa ako ng paraan upang makabalik muli at damhin ang matagal ko nang namimiss. Oh ang mga production work, kahit na school requirement lang siya, iba pa rin talaga ang pag gawa ng project sa school. Aminado ako na karamihan sa aking mga kaklase ay naka establish na ng career sa TV at radyo, pero kahit sila, nagsasabing iba talaga pag hindi pera ang katapat ng isang proyekto kundi isang magandang grado.

nakadalwang dokyumentaryo na kami sa unang taon namin sa Graduate school at iba talaga ang hirap at sarap na aming dinanas. Hirap dahil sa mga lokasyon, ang pagshoot at pag edit. pero sarap naman dahil sa bawat taong nakakasalamuha at nakausap namin ay bagong kaalaman ang aming nababaon sa aming pag-uwi.

Naalala ko tuloy aking Coach Miko sa huling callcenter na napagtrabahuan, minsan niyang diniscus ang curve of learning, (tama ba ang term?) na ‘wag matakot kung may bagong bagay na parating sa buhay dahil marami kang matututunan rito. kahit pahapyaw lang niyang nabanggit sa isa sa mga maraming team huddle namin, isa iyon sa mga memorable ideas na nakuha ko sa mga boss ko.

“DALOY” ang pamagat ng pangalawang dokyu na aming nagawa. Inabot ng dalawang semestre ang anim na katao (kasama ang aming propesor) na makumpleto ito. Nagsimula ang ideya sa isang bali-balita na maaring mawalan ng tubig ang kamaynilaan sa 2015. nagresearch at naglakbay. ayun, nalaman namin ang katotohanan ukol sa isyung ito (o medyo close lang sa katotohanan…kayo na ang humusga).

Sa tulong ng mga panayam, bidyo clippings at datos mula sa iba’t ibang pag-aaral ay nabuo ang DALOY.

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless 😀

Advertisements

5 responses

  1. Val, mat SPSS sa stat, part ng lesson yun… ayan may advantage ka na naman… pati kapag si sir elmer ang naging prof mo… spss ang pinapagamit nun…. but of course may mano-manong computation pero keribels lang… no pressure kay sir… hehehehehehe… may reporting din… thank God I survived… for sure ikaw din… lalong KAYO RIN!… GUD LUCK!!! :)))))

    May 16, 2012 at 10:44 am

  2. Inggit ako sa mgagaling mag-edit ng videos… Waaaah! Galing!

    May 23, 2012 at 10:58 am

  3. marami talaga tayong natutunan kay coach miko kahit mga paside comment lang yung iba maiisip mo na talagang may laman yung mga WoW niya.. nakakamiss talaga 🙂 daan ka dito minsan val 🙂

    November 15, 2012 at 11:14 pm

    • wow napadaan ka santi, tnx tnx. madami talaga ako natutunan kay coach miko regarding work ethics na hanggang ngayon ay inaaply ko. sige minsan daan ako jan. anyway, sana mabasa rin to ni coach..what re the odds mapadaan xa rito hehe 😀

      November 16, 2012 at 3:57 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s