Archive for June, 2012

Thanks to those who read and recommended it to their loved ones and friends. Nice to know that despite of this we have a good support system and we’re able to take it easy. Thanks for the overflowing comments, apologies if I do not have much time to approve them and reply. People on KC, various KC teams around the world, thanks

the UREIQN project

40 minutes past 9am, we’re still waiting for the ophthalmologist.  The line is getting longer and the magazines on the lounge are getting less interesting. It’s been weeks since the first time I’m having these headaches and I think it’s my eyes. I’m having astigmatism on every time I open eyes. Even though I just stare in a blank space, headaches will occur and bad thing starts to happen.

I filed a leave just to attend my appointment with the eye doctor; I can’t take the “eye-gony” anymore. It’s now or never. Well, enough with drama, the doctor came while all of his spectators were hooked at the Tournament scene of “The Kung fu Kid”. After 2-3 patients, it’s my turn for them to check my eyes. They even asked for my eyeglasses and measured it  [or test…whatever] with their high end technology. Then they tested my vision with their…

View original post 1,665 more words

Advertisements

CANNED THOUGHTS no.1 : Space Jeepneys

IDEA :

Laser Beam sa bawat Jeepney

REASONS :

10. Masaya ang byahe, lalo na kung warfreak si manong driver, parang nasa POV ka lang ng GTA o Sega archade game

9. Pantanggal amats sa mga bumibyaheng lasheng

8. Masayang pakinggan ang “Pit-piw!” sound effects lalo na kung triggerhappy si manong drayber sa bawat mang oovertake sa kanya

7. Pantanggal umay sa isa o dalwang oras ng byahe

6. Di na kailangan gumawi sa MOA para sa lightshow.

5. Pag ‘di sapat ang jeje playlist ni manong drayber. (utang na loob, ang justin bibe!), gayun din kung nabobore ka na sa sarili mong playlist.

4. Pag hindi rin sapat para maaliw ang design sa loob ng jeepney. sa mga anime rip-off na i-airbrush, mga danggling dice at stuffed toys (ukay-ukay lang ang peg?). Sige, subukan mong titigan ang  medyo magrasang “basta drayber, sewwt lover” sticker, tignan natin kung maeentertain ka.

3. Pwedeng i-consider as main attraction laban sa kanilang competitor na aircon buses. san ka sasakay? sa de aircon na bus na di nagpapalit ng bala ng DVD sa loob ng limang taon? o sa jeepney na open kung saan dama mo ang dampi ng hangin (at alikabok) sa iyong mukha, ang jeep na maingay at tila disco sa loob sa dami ng kulay ng ilaw at borloloy (bouncer nalang ang kulang), ang jeepney na kung makabanking sa kahabaan ng Marikina-Cubao-Sta.Mesa  eh akal mo alang bukas?, ang jeep na may laser beams?

2. Para lahat ay magbabayad,  may takot at magiging magalang kay manong, malay mo biglang tirahin ka sa likod ni manong, crispy kang dadating sa iyong destinasyon

1. Para higit sa lahat, Para di hassle sa umaga, lahat automatic na laging barya lang sa umaga, 😀

(iba talaga pag nabloblock ang isip sa pagsusulat ng thesis, kung anu-ano ang nasusulat? haist)

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless 😀


Ynvictus : Prologue

Kahit mahina, nakakarindi pa rin ang bulung-bulungan. Walang paglagyan ang katahimikan sa mga oras na iyon. Makulimlim ang langit at lahat ay nagdadalamhati. Patapos na ang mga supulturero na ibaon sa lupa ang isang nilalang at ngayo’y inaayos ang lapida kung saan nakaukit ang pagkatao ng isang Pilipinong namatay dahil ka kanyang kabayanihan.

Unti-unting umalis ang mga tao sa lugar na iyon habang isa-isang nahuhulog sa lupa ang ulang kanina pa pinipigil ng langit. Kabayanihan sa tingin ng lahat, ngunit sa isang inang nawalan ng anak, ang pagdadalamhati at galit ay walang paglagyan. Oo, Bayani siya sa patingin ng kanyang mga kaibigan at guro ngunit isa sya’y isa ring anak, may kahinaan at minsan sa kanyang buhay ay sumandal at humangos sa kanyang ina .

Nanginginig na inilagay ng isang ina ang mga bulaklak na hawak nito sa bagong gawang puntod, alay sa anak na mawawalay sa kanya habambuhay. Tumingala ito sandali. Nagdasal at nagisip, ilang sandali pa’y nagkrus at pilit na ngumiti sa puntod  at di naglao’y lumisan.

Tahimik lang na pinanuod ni Inyigo ang kanyang ina na lisanin ang  kanyang puntod. Mahinahon niyang sinundan ng tingin ang babaeng kanyang pinakamamahal. At bago tuluyang mawala sa paningin ang ina, nagsimula siyang magtipak ng kanyang gitara at mag-alay ng kanta.

(itutuloy)

Base sa isang dula na aking sinulat noong college para sa aming DTA , sa awa ni Diyos, na-reject. 😀