CANNED THOUGHTS no.2 : Mini What-ifs

Ugh. Writer’s Block. Napaka ironic talaga ang mga pagkakataon na wala kang maisulat sa mga assignment, thesis, articles na kailangan tapusin pero halos sumabog na ang utak sa mga ideyang di naman kailangan, bigla nalang nanganganak at gagawin kang baliw sa kakakontrol na masupress ito at bumalik sa katinuan.

Minsan kahit ako nawiwirduhan sa mga senaryong , mga what-ifs na naiisip sa gitna ng paggawa ng assignment. ‘Di ko  alam kung ako lang ba ang nakakaisip ng mga ito o meron pang isang baliw sa mundong ito na kapareho ko ng what-ifs. (sana chicks, baka sya na ang Da One..hehe pbb teens lang peg)

10. Anu kaya ang lasa (kung pa deep : pakiramdam)  pag tinimpla ko sa kumukulong tubig ang isang Litro pack Tang orange Juice?

9. Paano humatsing ang mga manok? what if makikita ako ng isa? kumpleto na ba buhay ko? hehe

8. totoo kaya na chicks na rin ang gusto ni pers lab? patay! (anyare?)

7. What if naimbento ko ang time travelling, pumunta ako sa something something BC, i-claim ang China and some parts of Europe, rearrange history, leave some notes sa plastic bag  all over , na may details about Philippines owning these places. Para pag nadiscover at napacarbon dated edi atin na ang China haha…lagay ko narin ang link ng blog na ‘to baka sakaling sumikat hehe

6. Kung maaabduct man ako ng aliens, bakit?

5. Kung may bahid man ng katotohanan  ang number 8, ano kaya ang type nia? parehas kaya kami…hmmmm…hot hot hot

4. What if mapalanunan ko ang biggest Lotto Jackpot? Magiging masaya kaya ako?

3. What if maging totoo ang space jeepneys?

2. What if nakuha ko ang number ni TAGCOM Crush at pinursue ko? Dilema parin ba si pers lab?

1. What if ‘di ko sinasayang ang oras ko kakaisip ng entry rito bagkus magconcentrate sa sa sinusulat kong project, may lalabas kaya? hihinto kaya ‘tong writers block?

Writer’s Block…..Naalala ko tuloy ang sabi Master Ricky Lee sa kanyang librong “Trip to Quiapo” :

 

“Maraming baguhang writer ang laging nagtatanong  —paano kung wala ka sa mood (magsulat)? Nakakapagsulat ka pa rin ba? Saan nanggagaling ang inspirasyon mo?

Baligtad yata. Sa halip na magsulat ka kapag nasa mood ka, dapat yata ay magsulat ka para mapunta ka sa mood. Ikaw ang mag-iinduce ng mood. Ikaw ang gagawa ng mood.

Pagod na pagod ka. wala ka sa mood. Maraming Problema. irritable ka.

maupo ka sa harap ng computer at magsulat ka. Sa simula ay physical level lang , puro technique. Pero darating ang oras na makakalimutan mo pati sarili mo.

Hihigupin ka ng sinusulat mo. Nasa mood ka na.

Eventually it is writing that is going to help you get by in life, to make you feel good. rather than the opposite, na pag maganda ang mood moo ang buhay saka ka magsusulat.

(iba talaga pag nabloblock ang isip sa pagsusulat ng project, kung anu-ano ang nasusulat? haist, pangalawang beses na ‘to….)

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless :D

Advertisements

2 responses

  1. Marami akong ganyang moments noon. Ngayon wala na talaga at nami-miss ko ang magsulat nang kung ano-ano. Yung tipong sa una malabo at sobrang kalat-kalat ang nasa utak pero eventually nagkakaroon ng direksyon ang utak mo. Grabe. Naka-miss. At kailangan ko na nga palang magpasa ng script.

    July 14, 2012 at 9:48 am

    • agree. para kang nanganganak sa bawat storyang magagawa mo di ba? pangit man sa iba, mamahalin mo parin kasi gawa mo, galing sa sarili mong dugo at laman este sabaw ng utak 😀 hahay salamat sa pagbisita at pagsulat 😀

      July 14, 2012 at 5:30 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s