SA LOOB NG LIMANG KABANATA (Scenario Dos)

I

Ininda niya ang sakit ng mga tuhod malagpasan lang ang trapik sa Buendia. Mabilis niyang tinakbo ang masikip na kalsada, nakikipagkarera sa oras, makarating lang sa pinag usapang oras.

Alam niyang mahuhuli siya ng ilang minuto pero sya’y determinado.

II

Hawak ang isang basong kape, malalim ang kanyang iniisip, pansamantalang humihiwalay sa mundong ginagalawan, pinipilit sagutin ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan.

Ilang senaryo na ang kanyang  ginamit, pero wala siyang nagugustuhan sa mga kinalalabasan. Siguro nga mas madali kung mangyari nalamang ang lahat sa tunay na buhay.

Matindi na ang kanyang pananabik, hindi na siya makapag-antay.

III

Dalawang minuto bago ang alas-otso ng umaga. Siya’y hingal na pero di sumusuko. Nagliwanag ang kanyang mukha ng makita niya ang sinisinta, nasa harap ng kanilang opisina, hawak ang kapeng binili para sa kanya.

Isang minuto nalang at makakausap na niya sa wakas ang babaeng gumugulo sa kanyang isipan.

Ngunit tila bumagal ang lahat. tila hindi siya makalapit sa kabila ng napakaraming hakbang. Bigla siyang pinaglaruan ng kapalaran.

IV
Abot tanaw na niya ang lalaking pinakahihintay, inaasahang masasagot na ang kanyang mga katanungan.

Hindi siya makatulog matapos silang mag-usap.

Nagkasagutan ang dalawa.

Ang tanong ng isa ay di masagot ng diretso ng huli.

Nadismaya ang nagtanong, wala siyang nakuhang sagot.

Tumahimik ang dalawa. Ilang oras silang nakaupo sa harap ng opisina, kapwa blankong nakatingin sa kalsada ng Ayala.

Natigil ang dalawa nang wala nang dumadaang sasakyan. Alas-dos na nang umaga, kailangan nang umuwi’t ipahinga ang isipan. Isipang maghapong nagtratrabaho. Oras narin para ipahinga ang kanilang mga puso.

“Ano ba tayo?”, ito ang tatlong salita na di nagpatulog sa dalaga.
Sa likod ng tatlong salita ay isang libong katanungan. Limang daang senaryo. Pero iisang kasagutan lang ang kailangang bitawan.

V

Isang tawid nalamang, makakausap na niya ang dalaga.

Tanaw ang isa’t isa.

Nangungusap ang mga mata, kapwa nanabik, kapwa naguguluhan, kapwa naghihintay ng kasagutan.

Oras na upang tumawid ng kalsada. Napangiti ang binata, gayundin ang kanyang sinta.

Ngunit mapagbiro ang tadhana.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Nabitawan ang kape, napasigaw at napatakbo papunta sa kalsada. Pinigilan ito ng kanyang mga kakilala.

Lahat sa paligid ay sa isang iglap, nagising. Sa umagang iyon, hindi sila tulad ng dati.

Nagkalat sa kalsada ng Ayala ang dugo ng binata, halos di na makilala dahil sa sinapit. Isang dipa mula sa kanyang katawan ay ang sasakyang umararo sa kanya. Nakatayo sa gilid nito ang drayber, di makapaniwala, nagiisip, napapaiyak. Para sa kanya, di na siya tulad ng dati.

Wala na ang sinisinta. Naglaho kasama ang sagot sa kanyang katanungan.

Sa kabila ng nangyari, biglang nakahinga ng maluwag ang dalaga. Hindi na kailangang magisip pa. Isang libong posibleng senaryo, kakalimutan.

Uuwi syang sugatan ang puso ngunit wala nang gumugulo sa isipan.

Akala lang niya iyon. Paano kung sa gabing iyon mismo sinagot niya ang tanong ng binata.

ureiqn-literatures

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s