CANNED THOUGHTS no.3 : The Gym Animals (which one are you?)

Photos from our Batangas Trip made me realized how odd my body structure is. Having a beer belly but jolted with normal sized arms, they should be fatty too, not the other way around. Me ex saw my pics and God, she won’t stop teasing me all day, pointing at my confidence to belt out my body in public… (good thing we broke up earlier hehehe, peace!)

Anyway, she dragged me to the nearest mall to inquire about gym enrollments, and it wasn’t easy!

Things you must consider were the package, “bring a buddy” feature, locker rooms, shower rooms, equipments, and a lot more.

We ended up enrolling to this gym (name withheld), our basis, number of customers.

This Gym is like a safari, full of Gym animals sweating out to achieve their dream bods (or in some case, to get the mobile number of those they dream of…heheheh)

Here are some Gym Animals we got a chance to caught inside the parameters of the sweat factory.:

The Gym Bunnies – They come in every effin’ day in lycra leotards. They hop around the gym from one machine to another without ever finishing a routine. Hop, hop hop!

The Gym Gorillaz – Bulky, hairy, and cast a huuuuge shadow behind ‘em. Their color ranges from deep red to Kiwi dark-brown shoe polish.

The Meerkats – They stretch their necks and stick their heads out whenever a gorgeous guy comes in.

The Hyenas – They chat, chuckle, laugh, chat some more and chat, chat, chat to eternity. If hunting rifles are allowed, I’ll take them down first.

The Parrots – Same as the Hyenas but wears fantabulously outrageous gym outfits made in China.

The Gym Crocs – Creatures who never leave a machine and stay there all day as if they own it. They will be the next ones to go after the Hyenas, I tell you.

The Wet Dogs – They always leave the machine wet for the next user. I don’t understand how they sweat so much! Argh!

The Guard Dogs – They bark and woof on the last 3 reps. There’s also a hybrid of this mixed with Gorillaz.

The Giraffes – Tall, gorgeous, painfully beautiful creatures who are so into themselves. Usually found on the machines closest to the mirror wall.

The Hippos – Unbelievably huge creatures but rarely visible. They are found under the bubbles of the Jacuzzi with their noses just above the water.

The Gila Monsters – Huge, ferocious lizards usually found in the sauna all day. They never leave!

The Skunk – They come to the gym oozing with irritating AXE cologne sprayed all over. These creatures DON’t understand! Get away from me! G E T A W A Y !

The Chicken – A creature with massive chest and throbbing arms complete with toothpick legs.

The Kapibara – Fat, amphibious rats usually found “basking” in the area between the shower and the locker room.

The Hamsters – Creatures running all day on the threadmill and go straight to the snack bar afterwards.

Any gym creatures you spotted lately?

Another idea on the side : whatchathink?! : what if all treadmills and other gym equipments are installed with chips or attached in to a turbine of an energy plant? can you imagine how many cities can be powered by combining all the kinetic energy generated by the gym buffs all over the PH?…think again….)

(ps: for the love of God, please dont make me post hubad pics..its for your own good haha)

Well that’s for now…

So Till then and Godspeed 😀



CANNED THOUGHTS no.2 : Mini What-ifs

Ugh. Writer’s Block. Napaka ironic talaga ang mga pagkakataon na wala kang maisulat sa mga assignment, thesis, articles na kailangan tapusin pero halos sumabog na ang utak sa mga ideyang di naman kailangan, bigla nalang nanganganak at gagawin kang baliw sa kakakontrol na masupress ito at bumalik sa katinuan.

Minsan kahit ako nawiwirduhan sa mga senaryong , mga what-ifs na naiisip sa gitna ng paggawa ng assignment. ‘Di ko  alam kung ako lang ba ang nakakaisip ng mga ito o meron pang isang baliw sa mundong ito na kapareho ko ng what-ifs. (sana chicks, baka sya na ang Da One..hehe pbb teens lang peg)

10. Anu kaya ang lasa (kung pa deep : pakiramdam)  pag tinimpla ko sa kumukulong tubig ang isang Litro pack Tang orange Juice?

9. Paano humatsing ang mga manok? what if makikita ako ng isa? kumpleto na ba buhay ko? hehe

8. totoo kaya na chicks na rin ang gusto ni pers lab? patay! (anyare?)

7. What if naimbento ko ang time travelling, pumunta ako sa something something BC, i-claim ang China and some parts of Europe, rearrange history, leave some notes sa plastic bag  all over , na may details about Philippines owning these places. Para pag nadiscover at napacarbon dated edi atin na ang China haha…lagay ko narin ang link ng blog na ‘to baka sakaling sumikat hehe

6. Kung maaabduct man ako ng aliens, bakit?

5. Kung may bahid man ng katotohanan  ang number 8, ano kaya ang type nia? parehas kaya kami…hmmmm…hot hot hot

4. What if mapalanunan ko ang biggest Lotto Jackpot? Magiging masaya kaya ako?

3. What if maging totoo ang space jeepneys?

2. What if nakuha ko ang number ni TAGCOM Crush at pinursue ko? Dilema parin ba si pers lab?

1. What if ‘di ko sinasayang ang oras ko kakaisip ng entry rito bagkus magconcentrate sa sa sinusulat kong project, may lalabas kaya? hihinto kaya ‘tong writers block?

Writer’s Block…..Naalala ko tuloy ang sabi Master Ricky Lee sa kanyang librong “Trip to Quiapo” :


“Maraming baguhang writer ang laging nagtatanong  —paano kung wala ka sa mood (magsulat)? Nakakapagsulat ka pa rin ba? Saan nanggagaling ang inspirasyon mo?

Baligtad yata. Sa halip na magsulat ka kapag nasa mood ka, dapat yata ay magsulat ka para mapunta ka sa mood. Ikaw ang mag-iinduce ng mood. Ikaw ang gagawa ng mood.

Pagod na pagod ka. wala ka sa mood. Maraming Problema. irritable ka.

maupo ka sa harap ng computer at magsulat ka. Sa simula ay physical level lang , puro technique. Pero darating ang oras na makakalimutan mo pati sarili mo.

Hihigupin ka ng sinusulat mo. Nasa mood ka na.

Eventually it is writing that is going to help you get by in life, to make you feel good. rather than the opposite, na pag maganda ang mood moo ang buhay saka ka magsusulat.

(iba talaga pag nabloblock ang isip sa pagsusulat ng project, kung anu-ano ang nasusulat? haist, pangalawang beses na ‘to….)

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless :D


Just a catching up with some elementary classmates. ditch in some cameras and a tripod and boom!   (thus the shots)

It is so nice to be with these guys, i mean, they’re the ones that links me to my past. I must admit i kinda miss my grade school, those nuns who patiently teached us, those acacia trees, the ground where we played patintero, agawan base and chato after school while waiting for our school vans.

Years passed and yet these guys are still the same, I’m proud to say that we came from MILC! (now IHMS)

by the way, you can check my first batch of multiplicity shots and some steps how we did it 😀 (check it here :

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless 😀

(big thanks to my IHMS pals for making this project possible, hopefully, madami tayo sa future, and to Angel for the place… shakeys daw guys, shakeys hehe)

Thanks to those who read and recommended it to their loved ones and friends. Nice to know that despite of this we have a good support system and we’re able to take it easy. Thanks for the overflowing comments, apologies if I do not have much time to approve them and reply. People on KC, various KC teams around the world, thanks

the UREIQN project

40 minutes past 9am, we’re still waiting for the ophthalmologist.  The line is getting longer and the magazines on the lounge are getting less interesting. It’s been weeks since the first time I’m having these headaches and I think it’s my eyes. I’m having astigmatism on every time I open eyes. Even though I just stare in a blank space, headaches will occur and bad thing starts to happen.

I filed a leave just to attend my appointment with the eye doctor; I can’t take the “eye-gony” anymore. It’s now or never. Well, enough with drama, the doctor came while all of his spectators were hooked at the Tournament scene of “The Kung fu Kid”. After 2-3 patients, it’s my turn for them to check my eyes. They even asked for my eyeglasses and measured it  [or test…whatever] with their high end technology. Then they tested my vision with their…

View original post 1,665 more words

CANNED THOUGHTS no.1 : Space Jeepneys


Laser Beam sa bawat Jeepney


10. Masaya ang byahe, lalo na kung warfreak si manong driver, parang nasa POV ka lang ng GTA o Sega archade game

9. Pantanggal amats sa mga bumibyaheng lasheng

8. Masayang pakinggan ang “Pit-piw!” sound effects lalo na kung triggerhappy si manong drayber sa bawat mang oovertake sa kanya

7. Pantanggal umay sa isa o dalwang oras ng byahe

6. Di na kailangan gumawi sa MOA para sa lightshow.

5. Pag ‘di sapat ang jeje playlist ni manong drayber. (utang na loob, ang justin bibe!), gayun din kung nabobore ka na sa sarili mong playlist.

4. Pag hindi rin sapat para maaliw ang design sa loob ng jeepney. sa mga anime rip-off na i-airbrush, mga danggling dice at stuffed toys (ukay-ukay lang ang peg?). Sige, subukan mong titigan ang  medyo magrasang “basta drayber, sewwt lover” sticker, tignan natin kung maeentertain ka.

3. Pwedeng i-consider as main attraction laban sa kanilang competitor na aircon buses. san ka sasakay? sa de aircon na bus na di nagpapalit ng bala ng DVD sa loob ng limang taon? o sa jeepney na open kung saan dama mo ang dampi ng hangin (at alikabok) sa iyong mukha, ang jeep na maingay at tila disco sa loob sa dami ng kulay ng ilaw at borloloy (bouncer nalang ang kulang), ang jeepney na kung makabanking sa kahabaan ng Marikina-Cubao-Sta.Mesa  eh akal mo alang bukas?, ang jeep na may laser beams?

2. Para lahat ay magbabayad,  may takot at magiging magalang kay manong, malay mo biglang tirahin ka sa likod ni manong, crispy kang dadating sa iyong destinasyon

1. Para higit sa lahat, Para di hassle sa umaga, lahat automatic na laging barya lang sa umaga, 😀

(iba talaga pag nabloblock ang isip sa pagsusulat ng thesis, kung anu-ano ang nasusulat? haist)

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless 😀

Ynvictus : Prologue

Kahit mahina, nakakarindi pa rin ang bulung-bulungan. Walang paglagyan ang katahimikan sa mga oras na iyon. Makulimlim ang langit at lahat ay nagdadalamhati. Patapos na ang mga supulturero na ibaon sa lupa ang isang nilalang at ngayo’y inaayos ang lapida kung saan nakaukit ang pagkatao ng isang Pilipinong namatay dahil ka kanyang kabayanihan.

Unti-unting umalis ang mga tao sa lugar na iyon habang isa-isang nahuhulog sa lupa ang ulang kanina pa pinipigil ng langit. Kabayanihan sa tingin ng lahat, ngunit sa isang inang nawalan ng anak, ang pagdadalamhati at galit ay walang paglagyan. Oo, Bayani siya sa patingin ng kanyang mga kaibigan at guro ngunit isa sya’y isa ring anak, may kahinaan at minsan sa kanyang buhay ay sumandal at humangos sa kanyang ina .

Nanginginig na inilagay ng isang ina ang mga bulaklak na hawak nito sa bagong gawang puntod, alay sa anak na mawawalay sa kanya habambuhay. Tumingala ito sandali. Nagdasal at nagisip, ilang sandali pa’y nagkrus at pilit na ngumiti sa puntod  at di naglao’y lumisan.

Tahimik lang na pinanuod ni Inyigo ang kanyang ina na lisanin ang  kanyang puntod. Mahinahon niyang sinundan ng tingin ang babaeng kanyang pinakamamahal. At bago tuluyang mawala sa paningin ang ina, nagsimula siyang magtipak ng kanyang gitara at mag-alay ng kanta.


Base sa isang dula na aking sinulat noong college para sa aming DTA , sa awa ni Diyos, na-reject. 😀


O yeah! pasukan na naman. oras na para sulitin ang nalalabing araw ng summer. it’s been a year since I  quit working on a callcenter and pursue my masters. I thought it’ll be hard,Di ako nagkakamali.

Yes it is hard but its nothing compared to the rewards I got after I finished my first school year. I gained friends and colleagues (and useful contacts hehe) and knowledge about other fields of communication  aside from research and mass media. Not to mention many useful tips on career and personal life. And after my first sem, I totally fell in love with graduate school.

Anyway, weeks from now, enrollment na naman at balita ko may statistics kami na subject, yeah I know it is required to take it but I’m an average guy who get nightmares every time I try to solve a math problem. ironically, ang dati kong mga trabaho ay may kinalaman sa research, una kong trabaho ay bilang data entry sa Philippine Information Agency noong 2007, naging Researcher noong 2009 at naging Research Analyst last year. ‘Di ko parin maisip kung paano ko nasurvive at natapos ang mga workload ko ng ‘di masyado inaalala ang math, siguro dahil sa SPSS o yung mga ‘di ko nakikitang nilalang slash mumu sa opisina pag nag-OOT ako (malamang SPSS). Aaminin ko, nagdalawang isip akong mag enrol muli pero kilala ko sarili ko, walang natatapos pag oras na tinamad na ako. kaya nagpapasalamat ako at may naging kaibigan ako sa GS na dahilan na mag enrol ako…(sa totoo lang, pinipilit nila ako kasi, mahal ang tutorial hehe joke)

Isa ring kinatuwa ko sa graduate school ay ang mga ssignment at projects. Alam ko, hindi lang ako ang minsang nagsabi na “haist, namiss ko ang eskwela”. pero at least ako, gumawa ako ng paraan upang makabalik muli at damhin ang matagal ko nang namimiss. Oh ang mga production work, kahit na school requirement lang siya, iba pa rin talaga ang pag gawa ng project sa school. Aminado ako na karamihan sa aking mga kaklase ay naka establish na ng career sa TV at radyo, pero kahit sila, nagsasabing iba talaga pag hindi pera ang katapat ng isang proyekto kundi isang magandang grado.

nakadalwang dokyumentaryo na kami sa unang taon namin sa Graduate school at iba talaga ang hirap at sarap na aming dinanas. Hirap dahil sa mga lokasyon, ang pagshoot at pag edit. pero sarap naman dahil sa bawat taong nakakasalamuha at nakausap namin ay bagong kaalaman ang aming nababaon sa aming pag-uwi.

Naalala ko tuloy aking Coach Miko sa huling callcenter na napagtrabahuan, minsan niyang diniscus ang curve of learning, (tama ba ang term?) na ‘wag matakot kung may bagong bagay na parating sa buhay dahil marami kang matututunan rito. kahit pahapyaw lang niyang nabanggit sa isa sa mga maraming team huddle namin, isa iyon sa mga memorable ideas na nakuha ko sa mga boss ko.

“DALOY” ang pamagat ng pangalawang dokyu na aming nagawa. Inabot ng dalawang semestre ang anim na katao (kasama ang aming propesor) na makumpleto ito. Nagsimula ang ideya sa isang bali-balita na maaring mawalan ng tubig ang kamaynilaan sa 2015. nagresearch at naglakbay. ayun, nalaman namin ang katotohanan ukol sa isyung ito (o medyo close lang sa katotohanan…kayo na ang humusga).

Sa tulong ng mga panayam, bidyo clippings at datos mula sa iba’t ibang pag-aaral ay nabuo ang DALOY.

So that’s for now guys.

So Till Then and Godbless 😀